Archbishop Cruz nagretiro na

MANILA, Philippines - Nagretiro na si Linga­yen-Dagupan Archbishop Oscar Cruz na kilalang kritiko ng administrasyong Arroyo kung saan papa­litan naman ito ni Balanga Bishop Socrates Villegas.

Nabatid na inapru­ba­han ni Pope Benedict XVI ang kahilingan ni Cruz na mag­retiro sa edad na 74.

Sa ilalim ng Code of Canon Law ng simbahan, ang retirement age para sa mga Obispo ay 75.

Sa darating na Nob­yem­bre 17 pa sasapit si Cruz sa edad na 75.

Una nang sinabi ni Cruz na nais niyang ma­pagtuunan ng pansin ang kaniyang mga adbokasiya at ang pagiging pinuno niya ng matrimonial tribunal ng CBCP.

Si Cruz ay kilala sa pagbatikos sa katiwalian at nangunguna upang maalis ang jueteng sa bansa. 

Nagsilbi din itong pa­ngulo ng CBCP mula 1995-1999. Pinakabatang arsobispo naman ng bansa si Villegas sa edad na 48 na dating auxiliary bishop sa charismatic ni Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin. (Doris Franche)

Show comments