DOH naghanda sa Ebola
MANILA, Philippines - Pinaghahandaan na ng Department of Health ang posibleng pagkalat ng mga kaso ng Ebola Reston virus sa bansa.
Ito ay matapos magpalabas ng Executive Order si Pangulong Gloria Arroyo na nagtatalaga kina Health Secretary Francisco Duque III at Agriculture Secretary Arthur Yap bilang mga “crisis managers” sa sandaling magkaroon ng pagkalat ng nasabing virus.
Sa ilalim umano ng EO, si Duque ang naatasang magpatupad ng mahigpit na pagmonitor sa mga taong nagmula sa mga lugar kung saan mayroong hinihinalang kaso ng Ebola samantalang si Yap naman ang mamamahala sa pagpigil ng virus infection sa mga hayop partikular na sa mga manok at baboy.
Kasabay nito ay pinaghahandaan na rin ng DOH at DA ang pagtuturo sa publiko hinggil sa nasabing virus para maiwasan ang misinformation kalituhan at pagpa-panic. (Gemma Amargo-Garcia)
- Latest
- Trending