'Immigration bill uunahin ang BI employees'

MANILA, Philippines - Tiniyak ni Immigration Commissioner Nonoy Libanan sa mga emple­yado ng ahensiya na hindi mawawalan ng puwesto ang mga rank-and-file employees kapag naisabatas na ng Kongreso ang immigration bill.

Ginawa ng BI chief ang pagtiyak sa kanyang speech sa ika-69 aniber­saryo ng Bureau of Immigration (BI) noong Biyernes.

“Don’t worry about the bill because it will benefit our civil service emplo­yees,” sabi ni Libanan.

Iginawad din ng BI chief, kasama sina Justice Secretary Agnes Devana­dera at Deputy Commissioners Roy Almoro at Enrique Galang, ang pla­que of recognition sa mga outstanding employees ng BI at mga pribadong indi­bidwal at organisasyon na nakapag-ambag sa pag­lago ng ahensiya patungo sa isang world-class immigration office kumpara sa mauunlad na bansa.

Ayon kay Libanan, na dating three-term representative ng Eastern Samar at may-akda ng bill noong 13th Congress, mananatili sa kanilang kasalukuyang posisyon ang rank-and-file employees ng ahensiya.

Sa kanyang parte, sinabi ni Devanadera na sesertipikahan ni Pangu­long Arroyo bilang urgent bill ang Philippine Immigration Act of 2009.

Inindorso na niya sa Pangulo ang certification ng PIA bilang urgent bill.

Ayon pa kay Devana­dera, natutuwa si Pangu­long Arroyo sa mga pagba­bagong ipinatupad ni Liba­nan sa BI.

Nanawagan naman si Devanadera sa mga em­ple­yado at opisyal ng BI na dapat silang magsilbi nang may ngiti sa labi dahil sila ang mukha ng bansa sa mga dayuhan. (Butch Quejada)

Show comments