Evacuees sa Mindanao dinapuan ng AH1N1
MANILA, Philippines - Inihayag ng World Health Organization na hindi nakaligtas sa influenza AH1N1 virus ang ilang residente sa Min danao na pawang inilikas mula sa kanilang mga tinitirahan dahil sa pagpapatuloy ng labanan ng Moro Islamic Liberation Front at ng puwersa ng Pamahalaan.
Ayon kay Paul Garwood, tagapagsalita ng WHO, may mga napapaulat nang kaso ng AH1N1 sa mga residenteng apektado ng “conflict” at pagbaha sa Mindanao. Ang mga ito ay kanila ngayong kinukumpirma upang agad na magawang aksiyon.
Hindi rin naman tinukoy ni Garwood kung ilan ang bilang ng mga indibidwal na tinamaan ng AH1N1 sa nasabing rehiyon.
Gayunman, sinabi sa kabuuan, mayroong 400,000 na mga displaced people ngayon sa Mindanao dahil sa bak bakan at sa mga pagbaha.
Sa ngayon ayon kay Garwood, may mga ibinibigay nang health services sa mga kampo subalit kulang umano sa staff ang mga ito. (Doris Franche)
- Latest
- Trending