Chavit hindi sususpindihin

MANILA, Philippines - Walang plano ang Malacañang na suspin­dihin o sibakin sa kan­yang posisyon si Deputy National Security Adviser Chavit Singson dahil sa ginawa nitong pananakit sa kanyang live-in partner kamakailan.

Sinabi ni Press Secretary Cerge Remonde sa kanyang media briefing sa Malacañang, hihin­tayin muna ng Palasyo ang magiging kalala­basan ng imbestigasyon kaugnay sa sinasabing pambubugbog ni Singson sa kanyang kinaka­samang babae.

Habang wala pang pinal na resulta ang im­bestigasyon ay mana­natili sa kanyang posis­yon si Singson.

Pinayuhan na lamang ng Palasyo ang dating Ilocos Sur governor na isumite ang kanyang sarili at harapin ang ka­song isasampa laban sa kanya.

Magugunita na sinam­pahan ng kasong pam­bubugbog ni Ms. Rachel Tiongson si Chavit sa Quezon City Prosecutor’s Office dahil sa ginawang pananakit sa kanya nito.

Inamin naman ni Cha­vit na binugbog nito ang kanyang live-in partner matapos mahuli na may­roong lalaki ito sa kan­yang inuupahang apartment. (Rudy Andal)

Show comments