^

Bansa

Traffic advisory sa Alay Lakad at Bar exam

-

MANILA, Philippines - Nagpalabas kahapon ng traffic advisory si Manila Traffic District Enforcement Unit (MTDEU) chief Supt. Rizaldy Yap  kaugnay ng “Alay Lakad Sa Kabataan 2009” at ng Bar Examination na sabay na isa­sagawa bukas kung saan inabisuhan nito ang mga examinees na agahan ang  pagtungo sa lugar upang makaiwas sa trapik.

Batay sa traffic advisory, alas-4 ng umaga sisimulang isara ang north at south bound lanes ng Roxas Boulevard mula Anda Circle hanggang President Quirino Avenue; P. Burgos  mula Roxas Blvd. hanggang Lagus­nilad east at west bound; T.M. Kalaw mula Roxas Blvd. patungong Taft Avenue east at west bound at panulukan ng Ayala at Finance.

Ang lahat ng mga sa­sakyan na manggagaling sa southern part ng Manila na sasakop sa kahabaan ng Roxas blvd. pa northbound lane ay maaaring kumanan sa P. Ocampo o President Quirino at kaliwa sa Taft Ave. patungo sa kanilang destinasyon.

Ayon kay Yap, ang mga sasakyan na mangga­galing sa northern part ng Maynila mula Delpan Bridge-Pier Zone ay maa­aring dumaan sa A. So­riano diretso ng Magal­lanes Drive, pakanan ng P. Burgos at tapos ng Lagus­nilad (Taft Ave.).

Nabatid pa kay Yap na ang mga cargo trucks na bumabaybay ng Osmena Highway ay dapat na kumanan sa Pres. Quirino Ave. hanggang Nagtahan, A.H. Lacson, Yuseco St., pa­tawid ng Jose Abad Santos diretso ng Raxas bago, Capulong. Ang lahat naman ng cargo trucks, trailers, vans na mangga­galing sa  Road-10 patu­ngong Delpan Bridge ay dapat na dumaan na lamang sa Capulong.

Para naman sa bar exams, sinabi ni Yap na ang southbound lane ng Taft Ave. mula sa Pres. Quirino hanggang P. Ocampo ay isasara mula 3:30 a.m. hanggang 6 p.m. (Doris Franche)

ALAY LAKAD SA KABATAAN

ANDA CIRCLE

BAR EXAMINATION

BURGOS

CAPULONG

DELPAN BRIDGE

DELPAN BRIDGE-PIER ZONE

ROXAS BLVD

SHY

TAFT AVE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with