^

Bansa

Ospital para sa OFWs itatayo

-

MANILA, Philippines - Tuloy na ang pagsu­sulong ng Overseas Wor­kers Welfare Administration (OWWA) na mag­pa­tayo ng mga os­pital na eksklusibo para sa mga OFWs at sa kani­lang mga pamilya.

Ayon kay OWWA Ad­mi­­nistrator Carmelita Dim­zon, inaasahang bago magtapos ang taong 2009 ay uumpisa­han na ang konstruksyon at pagta­tayo ng ospital o hospital wing para sa mangga­gawang Pinoy at sa ka­nilang dependents.

Sinabi ni Dimzon na ang planong pagpapa­ tayo ng ospital o kaya ay hospital wing ay ibabase sa puwedeng lugar na maaaring paglagyan mula sa 17 rehiyon sa buong Pilipinas.

Inamin nito na mahi­rap ang maghanap ng available na lugar sa Metro Manila subalit mag-uumpisa silang magtayo ng hospital wing para sa mga OFWs sa PGH sa Taft Ave., Manila bago ma­tapos ang taon.

Nakipagpulong na si Dimzon sa PGH para sa pagtatayo ng OFW hospital wing.

Matapos ang NCR, isusunod naman ang pagtatayo ng isang OFW Hospital sa Cordillera Administrative Region.

Ang mga OFWs na karamihang biktima ng pang-aabuso at pagma­mal­trato ng kanilang employer ay umuuwing su­gatan o may kapansanan at kung saan-saan la­mang dinadalang ospital, na na­giging dahilan upang ma­batikos din ang gob­yerno dahil sa uma­no’y kapa­bayaan sa mga tina­gu­riang mga bayani na nag-aambag ng mil­yun-mil­yong pondo sa kaban ng bayan. (Ellen Fernando)

CARMELITA DIM

CORDILLERA ADMINISTRATIVE REGION

DIMZON

ELLEN FERNANDO

METRO MANILA

OVERSEAS WOR

SHY

TAFT AVE

WELFARE ADMINISTRATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with