MANILA, Philippines - Pinabulaanan kamakailan ni Nueva Ecija Representative Rodolfo Antonino ang akusasyon ni Senador Maria Consuelo “Jamby” Madrigal na tinutulugan lang ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panu kalang anti-child pornography law.
Sinabi ni Antonino na iresponsable si Madrigal dahil ang House Bill 4315 o ang Anti-Cyber Boso bill ay natapos na ng House Committee on Justice at tatalakayin na sa plenaryo ng mga panahong iyon.
Pinuna ni Antonino na ipinakikita lang ni Madrigal na desperado siyang mapansin ng media dahil sa mga iresponsable at walang basihang pahayag nito.
Idinagdag pa ni Antonino na lumalabas lang sa pahayag ni Madrigal na ignorante ito at padaskul-daskul sa mga ginagawa.
“The statement of Sen. Madrigal only demonstrates her ignorance and recklessness. Sen. Madrigal must be suffering from another anxiety attack and needs to see her doctor as soon as possible,” sabi pa ng solon.
Kamakailan ay nagdeklara si Madrigal na tatakbo sa pagkapangulo sa 2010.
Ayon naman kay Senador Aquilino Pimentel na kapartido ni Madrigal sa PDP-Laban, mas mabuti pa anya na maghanap na ng ibang partido si Madrigal o maging independent candidate dahil malabo itong maging standard bearer ng partido. (Butch Quejada)