^

Bansa

Jamby dapat magpa-doktor - solon

-

MANILA, Philippines - Pinabulaanan kama­ka­ilan ni Nueva Ecija Representative Rodolfo An­tonino ang akusasyon ni Senador Maria Con­suelo “Jamby” Madrigal na tinu­tulugan lang ng Ma­ba­bang Kapu­lungan ng Kon­greso ang panu­ kalang anti-child pornography law.

Sinabi ni Antonino na iresponsable si Madrigal dahil ang House Bill 4315 o ang Anti-Cyber Boso bill ay natapos na ng House Committee on Justice at tatalakayin na sa plenaryo ng mga panahong iyon.

Pinuna ni Antonino na ipinakikita lang ni Madrigal na desperado siyang ma­pansin ng media dahil sa mga iresponsable at walang basihang pahayag nito.

Idinagdag pa ni Anto­nino na lumalabas lang sa pahayag ni Madrigal na ignorante ito at padaskul-daskul sa mga ginagawa.

“The statement of Sen. Madrigal only demonstrates her ignorance and recklessness. Sen. Madrigal must be suffering from another anxiety attack and needs to see her doctor as soon as possible,” sabi pa ng solon.

Kamakailan ay nag­dek­lara si Madrigal na tatakbo sa pagkapangulo sa 2010.

Ayon naman kay Se­nador Aquilino Pimentel na kapartido ni Madrigal sa PDP-Laban, mas ma­buti pa anya na maghanap na ng ibang partido si Madrigal o maging independent candidate dahil malabo itong maging standard bearer ng partido. (Butch Quejada)

ANTI-CYBER BOSO

ANTO

ANTONINO

AQUILINO PIMENTEL

BUTCH QUEJADA

HOUSE BILL

HOUSE COMMITTEE

MADRIGAL

NUEVA ECIJA REPRESENTATIVE RODOLFO AN

SENADOR MARIA CON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with