Joey Marquez absuwelto sa Korte Suprema

MANILA, Philippines - Inabsuwelto ng Korte Suprema sa kasong kati­walian si dating Para­ñaque City Mayor Joey Marquez kaugnay sa umanoy pag­bili ng may 5,998 piraso ng walis tingting noong 1996 nang walang kaukulang bidding.

Sa 20-pahinang de­sis­yon ni Justice Antonio Eduardo Nachura, inab­swelto din nito si Ofelia Caunan na noon ay Officer in charge ng General Services Office ng Pa­rañaque.

Binaligtad ng Mataas na Hukuman ang na­unang hatol ng Sandi­ganbayan noong Agosto 2007 na nagsaad na nagkasala sa paglabag sa anti-graft and corrupt practices si Mar­quez na isa ring komed­yanteng aktor.

Nakasaad pa sa de­sis­yon na ang “gross and manifest disadvantage to the government ay hindi sapat na basehan dahil ang konklusyon na overpricing ay malinaw na isang pagkakamali dahil hindi ito napatunayan.

Bukod dito, pinagba­sehan lamang ng Sandi­gan­bayan ang finding ng Commission on Audit na nagkaroon ng overpricing subalit lumabas na base ito sa special audit team report. (Gemma Amargo-Garcia)

Show comments