Joey Marquez absuwelto sa Korte Suprema
MANILA, Philippines - Inabsuwelto ng Korte Suprema sa kasong katiwalian si dating Parañaque City Mayor Joey Marquez kaugnay sa umanoy pagbili ng may 5,998 piraso ng walis tingting noong 1996 nang walang kaukulang bidding.
Sa 20-pahinang desisyon ni Justice Antonio Eduardo Nachura, inabswelto din nito si Ofelia Caunan na noon ay Officer in charge ng General Services Office ng Parañaque.
Binaligtad ng Mataas na Hukuman ang naunang hatol ng Sandiganbayan noong Agosto 2007 na nagsaad na nagkasala sa paglabag sa anti-graft and corrupt practices si Marquez na isa ring komedyanteng aktor.
Nakasaad pa sa desisyon na ang “gross and manifest disadvantage to the government ay hindi sapat na basehan dahil ang konklusyon na overpricing ay malinaw na isang pagkakamali dahil hindi ito napatunayan.
Bukod dito, pinagbasehan lamang ng Sandiganbayan ang finding ng Commission on Audit na nagkaroon ng overpricing subalit lumabas na base ito sa special audit team report. (Gemma Amargo-Garcia)
- Latest
- Trending