^

Bansa

Panlilio pagbibigyan din si Noynoy

-

MANILA, Philippines - Handa rin umanong umurong si priest-turned-Pam­panga Governor Eddie Panlilio sa kaniyang planong pagtakbo sa 2010 Presidential elections para sumuporta na lamang sa kandidatura ni Sen. Benigno “Noynoy” Aquino III.

Sinabi ni Panlilio na sa sandaling ianunsyo ni Noynoy ang kaniyang pagtakbo sa pagka-pangulo sa susunod na taon ay handa rin siyang iatras ang kaniyang kandidatura tulad ng ginawa ni Senador Mar Roxas.

Gayunman, kokonsultahin muna ni Panlilio ang kani­yang mga tagasuporta hinggil dito. 

Sinabi pa ni Panlilio na sa ngayon ay wala rin siyang nararamdamang “public clamor” para tumakbo siya sa mas mataas na posisyon sa Gobyerno.

Sa ngayon, ayon kay Panlilio, nakasentro ang kaniyang atensyon sa isinasagawang recount ng boto ng Commission on Elections sa 2007 Gubernatorial elections sa Pampanga, kung saan siya nagwagi laban sa katunggaling si Lilia Pineda at Mark Lapid. (Mer Layson)

AQUINO

BENIGNO

GAYUNMAN

GOVERNOR EDDIE PANLILIO

LILIA PINEDA

MARK LAPID

MER LAYSON

NOYNOY

PANLILIO

SENADOR MAR ROXAS

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with