^

Bansa

Noynoy wala pang desisyon, 'Hamon di ko tatanggihan'

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Walang inihayag na desisyon kahapon si Se­nador Benigno “Noynoy” Aquino III kung kakandi­dato siya o hindi sa hala­lang pampanguluhan sa 2010 pero sinabi niya na hindi niya tatanggihan ang hamon ng panahon.

Ginawa ni Noynoy ang pahayag bilang sagot sa alok sa kanya ni Liberal Party President Mar Roxas na maging standard bearer ng LP sa halalan.

Sinabi ni Noynoy na nababahala pa rin ang kanyang pamilya sa idea ng pagtakbo niya sa ha­lalang pampanguluhan.

Gayunman, sinabi ni Noynoy na si Roxas ang kukunin niyang bise pre­sidente kung sakaling magpasya na siyang su­mabak sa halalang pam­panguluhan.

Samantala, nakiusap kahapon ang aktres at television host na si Kris Aqui­no sa mga tagasu­porta ng kapatid niyang si Noynoy na huwag pilitin o i-pressure ito sa pagde­desisyon kung dapat itong kumandi­datong presidente o hindi sa halalan sa susunod na taon.

Sinabi ni Kris sa isang pahayag na lumabas sa website ng ABS-CBN na dapat bigyan ng sapat na panahon si Noynoy na makapag-isip bago mag­desisyon.

Dumarami ang nana­na­wagan kay Noynoy na kumandidatong presi­dente mula nang mama­tay ang ina niyang si da­ting Pangulong Corazon Aquino noong nakaraang buwan.

Lalong natututukan ngayon si Noynoy maka­raang umatras sa presidential election ang kasa­mahan niya sa Liberal Party na si Senador Mar Roxas para bigyan siya ng daan.

“Huwag ninyo siyang i-pressure. Napepresyur din siya ng kanyang mga kapatid,” sabi pa ni Kris.

Idiniin ni Kris na sila ni Noynoy at ibang miyem­bro ng kanilang pamilya ay patuloy pang nagluluk­sa sa pagpanaw ng kani­lang ina.

Ayon pa kay Kris, magre-retreat si Noynoy sa isang Carmelite convent sa Zamboanga mula ngayong araw na ito.

AQUINO

AYON

KRIS AQUI

LIBERAL PARTY

LIBERAL PARTY PRESIDENT MAR ROXAS

NOYNOY

PANGULONG CORAZON AQUINO

SENADOR MAR ROXAS

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with