^

Bansa

Binay tatakbong bise ni Erap

-

MANILA, Philippines - Ipinahiwatig kahapon ni Makati City Mayor Jejomar Binay na handa siyang kumandidato na lang na bise presidente kung siya ang pipisilin ni dating Pa­ ngulong Joseph “Erap” Es­trada bilang running mate nito sa halalang pampa­nguluhan sa 2010.

Pero sinabi ni Binay na, kung hindi siya ang mapi­piling running mate ni Es­trada, hindi rin siya kakandi­datong senador at babalik na lang siya sa pribadong buhay.

“Inihayag na ni President Estrada na tatakbo siyang muli sa pagka-pangulo sa halalan sa 2010. Kaya haha­ngarin ko na lang na maging bise presidente niya,” sabi ni Binay nang ma­kapanayam sa paglulun­sad ng aklat na Building of Dreams ni Gawad ng Ka­linga Founding Chair­man Antonio Meloto.”

Idiniin ni Binay na ganap niyang sinusuportahan ang pag­sisikap ni Estrada na mapagkaisa ang oposisyon para isang kandidato na lang ang isabak nila sa ha­lalang pampa­ngulu­han. Ipinaliwanag pa ni Binay na nais lang niya ng po­sis­yong ehekutibo. Wala rin siyang balak na pumasok sa Kon­greso kaya babalik na lang siya sa pribadong buhay kung hindi siya mapipili bilang kandidatong bise presidente ni Estrada.

Posible rin na si Binay ang maging running mate ni Estrada dahil sila lang ni Sen. Loren Le­gar­da ang napipisil sa opo­sisyon para sa naturang po­sisyon. (Jose Rodel Clapano)

ANTONIO MELOTO

BINAY

FOUNDING CHAIR

JOSE RODEL CLAPANO

LANG

LOREN LE

MAKATI CITY

MAYOR JEJOMAR BINAY

PRESIDENT ESTRADA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with