^

Bansa

Ka Erdie ng INC, pumanaw na

-

MANILA, Philippines - Pumanaw na ang Pu­nong Ministro ng Iglesia Ni Cristo na si Erano “Ka Erdie” Manalo sa edad na 84-anyos dahil sa cardiopulmonary arrest o atake sa puso, kamakalawa ng ha­pon.

Ayon kay INC Spokesperson Bienvenido San­tiago, si Manalo ay puma­naw ganap na alas 3:53 ng hapon noong Lunes kung saan ang labi ay nakalagak ngayon sa INC Central Tem­ple sa Fairview, Que­zon City.

Si Manalo ay Executive Minister ng INC at isang supreme, charismatic lea­der kung saan siya ang pu­malit sa ama niyang si Fe­lix Manalo na siyang tunay na founder ng INC at na­matay naman ang huli noong 1963. Sinabi pa ni Santiago na dahil kay Ma­nalo ay sinuportahan ng INC sina Pangulong Gloria Arroyo at dating pangulong Joseph Estrada kaya na­luklok ang mga ito bilang pangulo ng bansa.

”Iglesia ni Cristo is an influential and formidable bloc during elections because its members would vote only the lineup of candidates agreed upon by its leaders,” ani Santiago.

Bukod kina Arroyo at Estrada, sinuportahan din ni Ka Erdie at ng INC ang negosyanteng si Eduardo “Danding”Cojuangco Jr., noong 1992 at si dating pangulong Ferdinand Mar­cos noong 1986.

Si Manalo na ang ta­wag sa kanya ng buong ka­patiran ay Ka Erdie ay isinilang noong Jan. 2, 1925, panglima siya sa mga anak ni Felix Y. Ma­nalo, ang founder ng Igle­sia ni Cristo.

Ang INC, na itinatag noong 1914 at itinuturing na isa sa pinakamalaking religious group sa bansa, ay sinasabing mayroong tinatayang hanggang wa­long milyong miyembro at mayroong mga simbahan sa mahigit 60 bansa.

Kasabay nito, sinabi naman ni Deputy Presidential Spokesman Anthoy Golez ang taos-pusong pakikiramay nina Pangu­long Arroyo at First Gentleman Mike Arroyo at ng buong Gabinete nito sa pagpanaw ni Ka Erdie.

“President Arroyo joins the Filipino nation in mourning the passing away of Iglesia Ni Cristo Executive Minister Erano Manalo. President Arroyo also extends the condolences and prayers of her family and the members of the Cabinet to Ka Erdy’s son, Deputy Minister Eduardo V. Manalo and to all pastoral leaders and members of the INC,” ayon sa ipinalabas na statement ni Presidential Spokesman at Executive Secretary Eduardo Ermita.

Maging ang Senado at Mababang Kapulungan ng Kongreso ay nakiramay din kay Ka Erdie. Suma­saludo ang kabuuan ng Kongreso sa magaling na pamumuno nito sa INC at pagkaabot sa pinakama­taas na lebel ng buhay.

Samantala, binigyan na ng direktiba ni Philippine National Police chief Director Gen. Jesus Ver­zosa si Quezon City Police District Director P/Chief Supt. Elmo San Diego para tiyakin ang seguridad sa venue ng burol at libing ni Ka Erdie na inaasahang dadagsain ng milyun-mil­yong deboto ng INC, supporters at mga kaibigan sa pananampala­ taya. Ka­sabay nito, ipina­abot ni Verzosa ang paki­kiramay ng buong PNP sa pamilya ng INC Executive Minister. (Angie dela Cruz, Mer Layson, Ricky Tulipat, Rudy Andal Butch Quejada at Joy Cantos)

CENTRAL TEM

CHIEF SUPT

COJUANGCO JR.

EXECUTIVE MINISTER

INC

KA ERDIE

MANALO

PRESIDENT ARROYO

SHY

SI MANALO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with