Solons di kasama ni GMA sa Libya
MANILA, Philippines - Umalis na kahapon si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo patungong Libya pero wala na siyang kasama ritong mga kongresista.
Ayon sa Malacanang, ang tanging kasama ni Pangulong Arroyo ay sina Press Seretary Cerge Remonde, Foreign Affairs Secretary Alberto Romulo, Labor Secretary Marianito Roque, National Security Adviser Norberto Gonzales at DFA Undersecretary Rafael Seguis. Bukod pa rito ang mga tauhan ng Presidential Security Group at RTVM personnel.
Inimbitahan si Pangulong Arroyo ni Libyan Leader Col. Maummar Qadaffi upang dumalo sa African Union Special Summit at upang makiisa sa ika-40 anibersaryo ng rebolusyon ng Libya.
Naunang umani ng batikos ang biyahe kamakailan ng Pangulo sa Amerika lalo na nang mapaulat ang mga hapunan ng kanyang grupo sa mga mamamahaling restawran sa New York.
Makikipagpulong din si Mrs. Arroyo sa ibat ibang lider ng Africa kabilang na ang lider ng Somalia upang mawakasan ang kidnapping ng mga Filipino seafarers na lulan ng mga foreign vessels na dumadaan sa Gulf of Aden. (Rudy Andal at Butch Quejada)
- Latest
- Trending