Sex offenders panukalang pagbawalan sa eskuwelahan
MANILA, Philippines - Naghain kahapon si Senador Antonio Trillanes IV ng panukalang-batas na magbabawal sa mga nasentensyahan at nakalaya nang sex offender na makapasok sa mga eskuwelahan.
Isinampa ni Trillanes ang Senate Bill 3407 para matiyak anya na hindi makapambibiktima ng estudyante ang mga sex offender.
Ipinaliwanag ni Trillanes na hindi layunin ng kanyang panukala na ipahiya o husgahan ang mga sexual offenders na nakapag-serve na ng kanilang sentensiya pero nais niyang protektahan ang mga estudyante na pinaka-vulnerable at madaling mabiktima.
Kung magiging ganap na batas, ang mga napalayang sex offenders ay hindi papapasukin sa mga pampubliko at pribadong eskuwelahan kabilang na ang Day Care o Preparatory building at maaari lamang silang maghatid o sumundo sa kanilang anak o mga anak. (Malou Escudero)
- Latest
- Trending