^

Bansa

ZTE probe iisnabin ni GMA at First Gentleman

- Nina Rudy Andal at Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Iisnabin lang nina Pa­ngulong Gloria Macapa­gal-Arroyo at First Gentleman Mike Arroyo ang pagbubukas muli ng im­bestigasyon ng Senado sa maanomalya at naud­lot na national broadband network project ng pa­mahalaan at ng ZTE Corp. ng China.

Ipinahiwatig ito kaha­pon ni Deputy Presidential Spokesman Anthony Golez Jr. na nagsabing wala nang dapat ipali­wanag sa naturang usa­pin ang First Couple ka­sunod ng pagkaka­absu­welto ng mga ito sa Ombudsman.

Sinabi ni Golez na nag­sagawa na ng hiwalay na imbestigasyon ang Ombudsman at walang nakitang ebidensiya upang isangkot ang First Couple sa NBN.

Bukod dito, ayon pa kay Golez, replay na lang ang imbestigasyon ng Senado sa NBN-ZTE contract at walang ba­gong ebidensyang ma­iha­harap.

Sinabi rin ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon na hindi na niya inaasahang dadalo sa pagdinig nila ang Unang Ginoo at maging ang isa sa mga sangkot sa kaso na si dating Commission on Elections Chairman Benjamin Abalos.

Nagpahayag ang abo­gado ng Unang Ginoo at si Abalos din na hindi sila sisipot sa Senado.

Inihayag naman ni Gordon na pagtutuunan nila ng pansin sa gaga­wing pagdinig ang mga butas sa procurement process ng gobyerno na naging dahilan kung bakit naging maanomalya at hindi natuloy ang NBN-ZTE deal.

vuukle comment

DEPUTY PRESIDENTIAL SPOKESMAN ANTHONY GOLEZ JR.

ELECTIONS CHAIRMAN BENJAMIN ABALOS

FIRST COUPLE

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

GLORIA MACAPA

GOLEZ

SENADO

SENATE BLUE RIBBON COMMITTEE CHAIRMAN RICHARD GORDON

SHY

UNANG GINOO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with