BF pabor sa Lakas selection process

MANILA, Philippines - Sinuportahan ni Metro Manila Development Authority Chairman Bayani Fernando ang proseso ng partidong Lakas-CMD sa pagpili ng ikakandidato nitong presidente sa halalan sa susunod na taon.

Sinabi ni Fernando na pabor siya sa selection process at requisite consultation ng mga lider ng Lakas. “Pinapatnubayan ng mga panuntunan at batas ang selection process ng Lakas. Dapat nating sundin ito. Kung hindi, masasakripisyo ang mga prinsipyo at pagkakapantay-pantay para sa pulitika ng perso­nalidad at akomodasyon,” sabi ni Fernando na ka­bilang sa mga inaasa­hang kakandidato sa ha­lalang pampangulu­han.

Sinabi pa ni Fernando na mahigpit na sinusu­portahan ng chairman emeritus ng Lakas na si dating Pangulong Fidel V. Ramos ang consultative at selection process ng partido.

Ang pagpapairal ng political will ang isa sa maipagmamalaki ni Fer­nando para sa pagsu­sulong ng pagbabago at progreso ng bansa. (Butch Quejada)

Show comments