100 OFWs sumugod sa Saudi Embassy

MANILA, Philippines - May 100 pang mang­gagawang Pinoy na stran­ded sa Saudi Arabia ang dumagsa sa Emba­hada ng Pilipinas upang hilingin na pansaman­talang doon manuluyan.

Sa report na nakarating sa Department of Foreign Affairs, ang mga stranded OFWs sa Jeddah ay may ilang buwan nang nakatira sa ilalim ng mga tulay at overpass.

Karamihan sa kanila ay biktima ng pagmamaltrato makaraang tumakas sa kani-kanilang amo at undocumented o illegal workers. Sila ay kasalukuyang nag-aapply ng voluntary deportation upang maka­uwi sa Pilipinas.

Napilitang tumungo ang mga Pinoy workers sa Embahada para magbaka­sakaling kukunin sila ng gobyerno ng Saudi para i-deport.

Nito lang nakalipas na linggo, may 150 OFWs ang sumugod din sa Phi­lippine Consulate sa Jed­dah at sinira ang main gate ng Konsulado.

Ang mga stranded OFWs na tumakas sa kani-kanilang amo ay walang mga exit visas mula sa kanilang employer kung saan isa sa mga kailangan bago isagawa ang depor­tasyon.

Sila ay biktima din ng sindikato na nangako sa kanila na madaling maka­ kaalis sa pamama­gitan ng Jeddah “back­door” kung saan nadis­kubre ng mga mangga­gawa na walang “quick backdoor” doon.

Isinakay sa dalawang bus ang mga lumusob na OFWs at dinala sa deportation area. (Ellen Fernando)

Show comments