^

Bansa

P40-mil­yong T-shirt, commemorative plates ng TESDA maagang pangangampanya

-

MANILA, Philippines - Tinuligsa ng militanteng grupong Migrante International ang paglulustay umano sa pondo na inipon ng mga OFWs ni Technical Education Skills Development Authority (TESDA) Director Augusto Syjuco sa pagpapagawa ng P40 mil­yong halaga ng t-shirts at commemorative plates para sa maaga nitong pa­ngangampanya.

Sinabi ni Migrante chairperson Gary Martinez na mis­tulang wala na uma­nong hangganan ang gi­naga­wang pagwawaldas ng administrasyon sa pon­do ng pamahalaan sa ha­rap ng krisis na narara­na­san ng mahihirap na Filipino kung saan marami sa mga ito ang napipilitang magtrabaho sa ibang bansa upang maita­wid sa gutom ang kanilang pa­milya.

Tinawag nitong isang nakakahiyang “premature campaigning” ang nakatak­ dang pagpapagawa ni Syjuco ng mga t-shirts at commemorative car plates na nakalagay ang larawan niya at ni Pangulong Arroyo na aabot sa P40 milyong halaga.

Inihayag ni Martinez na malaki umano ang kontri­busyon ng mga OFWs sa pondo ng TESDA buhat sa bayad nila sa kanilang mga training at iba pang panga­ngailangan para makapag­trabaho sa ibang bansa.

Walang pinagkaiba uma­no ito sa pagpapagawa ng pamahalaan sa libo-libong t-shirts na “Kalsada Natin, Alagaan Natin” noong 2004 bago ang Presidential Elections na pinasuot na libo-libong streetsweepers na nagsisilbing “walking billboards” ng pamahalaan. (Danilo Garcia)

ALAGAAN NATIN

DANILO GARCIA

DIRECTOR AUGUSTO SYJUCO

GARY MARTINEZ

KALSADA NATIN

MIGRANTE INTERNATIONAL

PANGULONG ARROYO

PRESIDENTIAL ELECTIONS

SHY

TECHNICAL EDUCATION SKILLS DEVELOPMENT AUTHORITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with