^

Bansa

Abalos at Neri 'fall guys' sa ZTE

-

MANILA, Philippines - Tila ginawang mga “fall guys” ng administrasyon sina dating Commission on Elections Chairman Benjamin Abalos Jr. at Social Se­curity System chief Ro­mulo Neri matapos na sila lamang ang idiin ng Ombudsman sa nabukong $329 milyong NBN-ZTE deal.

Sinabi ni United Opposition President at Makati City Mayor Jejomar Binay na makokonsensiya din sina Abalos at Neri at tiyak na ibubulgar din ng mga ito ang kanilang nalalaman hinggil dito.

Hindi na rin siya uma­asa na itutuloy ng Ombudsman ang kaso laban kina Pangu­long Arroyo at First Gentleman Mike Arroyo matapos na kapwa ipawa­lang-sala ito ng ahensya.

“After all they did for the Arroyos, mukhang inilaglag na sila. It’s never too late for Chairman Abalos and Secretary Neri to see the light. They know much, much more than they revealed publicly and I am hoping against hope that they will finally tell the entire story,” ayon kay Binay.

Dahil umano sa natu­rang desisyon, malaking porsyento ng taumbayan ang naniniwala na nawala na ang kredibilidad ng Ombudsman at isa na lamang instrumento sa pagbibigay ng proteksyon sa adminis­trasyon at prosekusyon naman sa kanilang mga kalaban sa politika.

Hinikayat naman ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan sina Neri at Abalos na tumayo na lang bilang state witness at ituro ang tunay na mastermind sa NBN-ZTE scandal para maparusahan ito, lalo pa at ang mga ito lang ang naka­kaladkad sa maanomal­yang proyekto.

Naniniwala si Pangili­nan na hindi maglalakas-loob sina Neri at Abalos na pasukin ang broadband deal kung walang basbas ng mga ma­ im­pluwensiyang tao sa Malacañang.

Dismayado naman ang witness dito na si Rodolfo “Jun” Lozada dahil naka­lig­tas ang mga utak sa ano­malya at ang mga tauhan lamang nito ang kakasuhan.

Ayon kay Lozada, mahi­rap tanggapin ang desisyon ng Ombudsman dahil mara­mi na siyang sinakripisyo kasama ang kanyang pamil­ya para sa katotohanan. (Danilo Garcia/ Malou Escudero/ Doris Franche)

ABALOS

CHAIRMAN ABALOS AND SECRETARY NERI

DANILO GARCIA

DORIS FRANCHE

ELECTIONS CHAIRMAN BENJAMIN ABALOS JR.

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

LOZADA

MAKATI CITY MAYOR JEJOMAR BINAY

NERI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with