MANILA, Philippines - Idineklara kamakailan ng en banc ng Commission on Elections na pinal na at kailangan nang maipatupad ang desisyon ng first division ng Comelec na si Dino Chua ang nahalal na vice mayor sa halalan sa Cavite City noong taong 2007.
Ibinasura rin ng Comelec ang motion for reconsideration ng naunang naproklamang mayor ng Cavite City na si Romeo Ramos at inatasan ito na bumaba sa puwesto nang mapayapa.
Sinasabi sa resolusyong ipinalabas ng second division ng Comelec noong Marso 20, 2009 na mahigit 600 boto ang lamang ni Chua kay Ramos matapos matuklasan ang libu-libong pekeng balota na may iisang sulat-kamay lang.
Ikinatuwa naman ng mga barangay official ang pagkapanalo ni Chua dahil mas may kakayahan anila ito para makapagsilbi sa mamamayan ng Cavite.