^

Bansa

Panalo ni Chua sa Cavite poll kinatigan ng Comelec

-

MANILA, Philippines - Idineklara kamakailan ng en banc ng Commission on Elections na pinal na at kailangan nang maipatupad ang desisyon ng first division ng Comelec na si Dino Chua ang nahalal na vice mayor sa halalan sa Cavite City noong taong 2007.

Ibinasura rin ng Comelec ang motion for reconsi­deration ng naunang naproklamang mayor ng Cavite City na si Romeo Ramos at inatasan ito na bumaba sa puwesto nang mapayapa.

Sinasabi sa resolusyong ipinalabas ng second division ng Comelec noong Marso 20, 2009 na mahigit 600 boto ang lamang ni Chua kay Ramos matapos matuk­lasan ang libu-libong pekeng balota na may iisang sulat-kamay lang.

Ikinatuwa naman ng mga barangay official ang pagkapanalo ni Chua dahil mas may kakayahan anila ito para makapagsilbi sa mamamayan ng Cavite.

vuukle comment

CAVITE

CAVITE CITY

CHUA

COMELEC

DINO CHUA

IBINASURA

IDINEKLARA

IKINATUWA

MARSO

ROMEO RAMOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with