Erap may senatorial line-up na
MANILA, Philippines - Bagaman at hindi pa kumpleto, inihayag kahapon ni dating Pangulong Joseph Estrada ang pangalan ng ilan sa mga napipisil niyang isasama sa kanyang ticket sa senatorial elections sa susunod na taon kung saan sinigurado niyang tatakbo siyang presidente.
Nangunguna sa listahan ang kanyang anak na si Senator Jose “Jinggoy” Estrada na number one sa pinakahuling survey ng Pulse Asia sa pagka-senador, Senate President Juan Ponce Enrile, at Brig. Gen. Danny Lim.
Ikinokonsidera rin ng oposisyon ang anak ni dating action star Fernando Poe Jr., na si Grace Poe, Joey de Venecia, Ted Failon, Edu Manzano, Bayan Muna Partylist Rep. Teddy Casino at Makati City Rep. Teddy “Boy” Locsin.
Tumanggi naman si Estrada na pangalanan kung sino ang ikinokonsidera niyang maging running mate.
Nauna nang sinabi ni Jinggoy na imposibleng siya ang maging running mate ng kanyang ama kapag tumakbo na ito sa presidential elections. (Malou Escudero)
- Latest
- Trending