MANILA, Philippines - Tinanggal na ng Philippine National Police sa wanted list nito ang anim na sundalong miyembro ng rebeldeng grupong Magdalo na kasama sa mga kumubkob sa Oak wood Hotel sa Makati City noong Hulyo 2003 para tangkaing ibagsak ang administrasyon ni Pangulong Gloria Arroyo.
Inutos ni PNP Chief Director General Jesus Verzosa Jr. na alisin sa naturang listahan sina Cpl. Jerson Alabata (Marines), Pfc Abraham Apostol (Marines), Pfc. Jojo Abando (Marines), Pfc Hardy Glaraga (Marines), Pfc Jojit Soriano (Marines) at SN1 (Seaman Firt Class) Gerardo Dedicatura (Philippine Navy).
Ginawa ni Verzosa ang hakbang kasunod ng panawagan ng Commission on Human Rights dahil ang anim na sundalo ay wala nang kinakaharap na kaso sa korte bukod sa nakabalik na sila sa serbisyo makaraang masilbihan ang sentensyang iginawad sa kanila ng court martial. (Joy Cantos/Angie dela Cruz)