MANILA, Philippines - Iginiit ni Catholic Bishop Conference of the Philippines - National Tribunal of Appeals Judicial Vicar, Lingayen - Dagupan Archbishop Oscar Cruz, na tanging Diyos lang ang nakakaalam kung kailan magugunaw ang mundo matapos na magbigay ng prediksyon ang Maya Calendar na nakatakdang magunaw ang mundo dakong 12:00 ng tanghali sa Disyembre 21, 2012.
Binigyang-diin ni Cruz na maraming tao na ang nagsabi at nagbigay ng partikular na petsa ng paggunaw sa daigdig ngunit hindi naman nangyari ang prediksiyon bagkus, namatay na ang ilan sa mga ito ngunit anya, patuloy pa rin umiikot ang mundo kaya patunay ito na walang sinuman ang may alam ng eksaktong petsa kung kailan matatapos ang sanlibutan. Posible aniyang may personal na interes o motibo ang mga ito kaya nagbibigay ng nasabing prediksyon. Tiniyak pa ni Cruz na matapos ang Disyembre 21, 2012 ay tiyak na may bukas pa at magpapatuloy ang buhay sa mundo. (Mer Layson)