MANILA, Philippines - Bunsod na rin ng mga sunud-sunod na aksidente sa mga lansangan na kinasasangkutan ng mga pampa saherong sasakyan, nanawagan ang United Transport Koalisyon Party-List (1UTAK) na isulong ang pagkakaroon ng Drivers’ Academy para sa pagiging ligtas at magkaroon ng sapat na kaalaman ang driver bago ito payagan makapagmaneho ng mga pampublikong sasakyan.
Ayon kay 1UTAK Rep. Vigor Mendoza II, bagamat mayroong mga ibinibigay na pag-aaral ang Land Transportation Officer sa mga tsuper, hindi naman ito sapat.
Naniniwala si Mendoza na sa pamamagitan ng Driver’s Academy ay sasailalim sa matinding training at titiyakin na angkop ang sasakyang kanyang minamaneho base sa kanyang kaalaman.
Bukod umano sa training ng mga tsuper ay hihikayatin din ang mga ito na sumailalim sa values formation seminar kabilang ang pagsasailalim din sa drug testing upang masiguro na ang mga driver ay nasa tamang pag-iisip habang nasa manibela. (Butch Quejada)