^

Bansa

Driver's Academy tugon sa vehicular accident

-

MANILA, Philippines - Bunsod na rin ng mga sunud-sunod na aksidente sa mga lansangan na kinasasangkutan ng mga pampa­ saherong sasakyan, nanawagan ang United Transport Koalisyon Party-List (1UTAK) na isulong ang pagkakaroon ng Drivers’ Academy para sa pagiging ligtas at magkaroon ng sapat na kaalaman ang driver bago ito payagan makapagmaneho ng mga pam­publikong sasakyan.

Ayon kay 1UTAK Rep. Vigor Mendoza II, bagamat may­roong mga ibinibigay na pag-aaral ang Land Transportation Officer sa mga tsuper, hindi naman ito sapat.

Naniniwala si Mendoza na sa pamamagitan ng Driver’s Academy ay sasailalim sa matinding training at titiyakin na angkop ang sasakyang kanyang mina­maneho base sa kanyang kaalaman.  

Bukod umano sa training ng mga tsuper ay hihikayatin din ang mga ito na suma­ilalim sa values formation seminar kabilang ang pagsasailalim din sa drug testing upang masiguro na ang mga driver ay nasa tamang pag-iisip habang nasa manibela. (Butch Quejada)

AYON

BUKOD

BUNSOD

BUTCH QUEJADA

LAND TRANSPORTATION OFFICER

MENDOZA

NANINIWALA

UNITED TRANSPORT KOALISYON PARTY-LIST

VIGOR MENDOZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with