MANILA, Philippines - Malaki ang pasasalamat ng 80 OFWs kay Nacionalista Party President Senador Manny Villar matapos na patuluyin ang mga ito sa bahay ng huli ng bumalik sa bansa mula sa Gitnang Silangan.
Ang nasabing mga OFW mula sa iba’t ibang lugar sa Middle East ay dumating kahapon lulan ng Gulf Air flight GF 154 na ku muha sa kanila mula Bahrain kung saan sila ay tinipon. 50 OFW at dalawang bata ang mula sa Amman, Jordan, 10 mula sa Damascus, Syria; 16 mula sa Dammam at isa mula sa Riyadh, Saudi Arabia, at tatlo mula sa Muscat, Oman.
Nagkaroon ng katupa ran ang kanilang kahilingan na makaalis sa masamang kapalaran na kanilang sinapit at muling makapiling ang kanilang mga pamilya matapos na tulungan sila ni Villar na maayos ang kanilang mga kaso, ang iba’y mapalaya sa mga kulungan, binayaran ang kanilang mga multa at pasahe sa eroplano.
Binigyan din ng salo-salo ni Villar sa Laurel Mansion sa Shaw Blvd., Mandaluyong City ang mga nasabing OFWs kung saan may inihandang maikling programa para sa kanila.
Dumalo sa nasabing okasyon sina Ambassador Julius Torres ng Jordan, Overseas Workers Welfare Administrator Carmelita Dimzon at NP Spokespersons Gilbert Remulla at Adel Tamano. (Butch Quejada)