Anti-child porno ni Rep. Teodoro lusot na

MANILA, Philippines - Tiyak na mapaparusa­ han na ang mga pedo­pilya, child pornographers at mga may-ari ng cyber sex den at internet cafe operators matapos na makapasa sa ikatlong pagdinig   ang House Bill 6440 o Anti-Child Pornography Bill.

Ayon kay Rep Monica “Nikki” Prieto-Teodoro, ang House Bill 6440 ay isang batas na magpo­protekta sa mga bata at kabataan mula sa pang-aabuso at exploi­tasyon at tiyak na paruru­sahan ang sinumang lala­bag dito.

Sa datus, may 100,000 websites ang nagtataglay ng child pornographic images at 20 porsiyento ng internet pornography ang kinasasangkutan ng mga bata at 2,000 dito ang naka-online araw-araw.

Sa rekord naman ng Department of Social Welfare and Development, 60,000 street children ang posibleng bik­ tima ng child prostitution at ikaapat ang Pili­pinas sa hanay ng mga bansa na may pinakama­ra­ ming batang nagbe­benta ng laman. (Butch Quejada)


Show comments