MANILA, Philippines - Nagbabala kahapon ang Bureau of Immigration (Bi) sa mga employer na kumukuha ng empleya dong dayuhan na sasampahan ng kasong kriminal ang mga ito sa sandaling mapatunayang lumabag sa immigration law.
Ginawa ni Immigration Commissioner Nonoy Libanan ang direktiba sa mga operatiba ng BI upang makilala at maituro ang mga employers ng mga dayuhan upang kaagad na masampahan ng kaso dahil sa pagkupkop sa isang illegal alien.
Ang nasabing direktiba umano ay ipatutupad sa mga dayuhan o Filipino businessmen na lumalabag sa batas sa pamamagitan ng pagbibigay serbisyo sa mga dayuhan maging overstaying, undocumented o walang kaukulang permiso man ang mga ito.
Nilinaw naman ni Libanan na hindi dapat kaagad maipatapon palabas ng bansa ng mga dayuhan kundi dapat makulong muna ang mga ito
Inatasan din nito ang Law Enforcement Division na mahigpit na imonitor ang mga aktibidad ng mga dayuhang employers lalo na ang mga pinaghihinalaang nagsasamantala sa interest ng mga Filipino workers.
Base sa Intelligence reports na natanggap ng BI na ang mga Chinese, Koreans at Indians ang nangunguna sa mga kinukuhang traba hador bilang mga salesperson sa mga tindahan at establisyemento. (Gemma Garcia)