MANILA, Philippines - Magiging masaya ang mga walang hanapbuhay dahil mangangailangan ng may 5,000 workers ang modernization project ng Manila North Harbor.
Nag-alok ng P14.5 billion ang Metro Pacific In vestiment at Harbour Center noon Agosto 20 na binuksan at tinanggap na ng Bids and Awards Committee ng Philippine Ports Authority para sa kumpletong rehabilitasyon at modernisasyon ng North Harbor na minsang nagpatanyag sa bansa bilang ‘Pearl of the Orient.’
Ang Metro Pacific ay pinangungunahan ng negosyanteng si Manny Pangilinan, majority owner ng Philippine Long Distance Company, habang ang pamilya Romero naman ang kasalukuyang majority owner ng Harbour Center Container Port sa Manila.
Batay sa kasunduan, agarang makikita at madarama ng mga pasahero at iba pang gumagamit sa Manila North Harbor ang mga biyaya at benepisyo sa mga pasilidad at serbisyo nito sa unang tatlong taon pa lang ng kontrata dahil sa malawakang mga pagbabago na gagawin sa mga ito.
Inaasahang din na mahigit 5,000 bagong trabaho ang lilikhain ng proyekto na makikinabang ang mga ma hihirap na residente ng Tondo at iba pang mga kalapit-lugar ng North Harbor.
Ang tuloy-tuloy na mo dernisasyon ay inaasahan din na mag-aambag ng malaki upang pasiglahin ang kalakalan sa pagitan ng Maynila at iba pang mga lugar sa bansa.
Dahil sa proyekto, inaasahang babagsak pa ng may 15 porsiyento ang singil sa serbisyo sa North Harbor na titiyak naman sa mababang halaga ng kalakal mula sa mga probinsiya.
Bukod sa mga bagong pasilidad, isa sa mga inaasahang pagbabago sa North Harbor na inaasahang gugulat sa mga gumagamit nito ay ang modernong computerized system para sa paglilista ng mga pasahero at pag-monitor sa mga kargamento. (Butch Quejada)