^

Bansa

5,000 trabaho sa North Harbor Modernization

-

MANILA, Philippines - Magiging masaya ang mga walang hanapbuhay dahil mangangailangan ng may 5,000 workers ang modernization project ng Manila North Harbor.

Nag-alok ng P14.5 billion ang Metro Pacific In­ vestiment at Harbour Center noon Agosto 20 na bi­nuksan at tinanggap na ng Bids and Awards Committee ng Philippine Ports Authority para sa kumple­tong rehabilitasyon at moderni­sasyon ng North Harbor na minsang nag­patanyag sa bansa bilang ‘Pearl of the Orient.’

Ang Metro Pacific ay pinangungunahan ng ne­gosyanteng si Manny Pa­ngilinan, majority owner ng Philippine Long Distance Company, habang ang pa­milya Romero naman ang kasalukuyang majority owner ng Har­bour Center Container Port sa Manila.

Batay sa kasunduan, agarang makikita at ma­da­rama ng mga pasahero at iba pang gumagamit sa Manila North Harbor ang mga biyaya at benepisyo sa mga pasilidad at ser­bisyo nito sa unang tat­long taon pa lang ng kon­trata dahil sa malawakang mga pagbabago na ga­gawin sa mga ito.

Inaasahang din na ma­higit 5,000 bagong trabaho ang lilikhain ng proyekto na makikinabang ang mga ma­ hihirap na residente ng Ton­do at iba pang mga kalapit-lugar ng North Harbor.

Ang tuloy-tuloy na mo­ der­nisasyon ay ina­asahan din na mag-aam­bag ng ma­laki upang pasiglahin ang kalakalan sa pagitan ng May­nila at iba pang mga lugar sa bansa.

Dahil sa proyekto, ina­asahang babagsak pa ng may 15 porsiyento ang singil sa serbisyo sa North Harbor na titiyak naman sa mababang halaga ng kala­kal mula sa mga probinsiya.

Bukod sa mga bagong pasilidad, isa sa mga ina­asahang pagbabago sa North Harbor na inaasa­hang gugulat sa mga gu­ma­gamit nito ay ang mo­dernong computerized system para sa paglilista ng mga pasahero at pag-monitor sa mga karga­mento. (Butch Quejada)


ANG METRO PACIFIC

BIDS AND AWARDS COMMITTEE

BUTCH QUEJADA

CENTER CONTAINER PORT

HARBOUR CENTER

MANILA NORTH HARBOR

MANNY PA

NORTH HARBOR

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with