MANILA, Philippines - Inatasan kahapon ng Korte Suprema ang Malacañang na itigil ang paggawad ng National Artist award sa taong ito.
Bukod dito, inatasan din ng Mataas na Hukuman ang executive department na huwag maglabas ng cash awards para sa mga National Artist awardees
Base sa resolution, pinanatili ng Hukuman ang status quo order at inatasan ang mga respondent na magkomento sa loob ng 10-araw.
Kabilang sa mga respondents sina Executive Secretary Eduardo Ermita, Budget Secretary Rolando Andaya Jr., Cultural Center of the Philippines, National Commission on Culture and the Arts, Cecile Guidote-Alvarez, Carlos Caparas, Jose Moreno, at Francisco Manosa.
Matatandaan na hiniling noong nakaraang linggo ng ilang perso nahe at ng Concerned Artists of the Philippines sa Hukuman na pigilin ang Palasyo sa paggagawad ng National Artists awards dahil sa umano’y grave abuse of discretion sa panig ng Pangulo ng balewalain nito ang screening process kabilang dito ang pagpili ng mga awardee.
Kabilang sa mga petitioners sina National Artists for Literature Virgilio Al mario at Bienvenido Lumbera, National Artists for Visual Arts (painting) Benedicto Cabrera, (sculpture) Napoleon Abueva, at (painting and sculpture) Arturo Luz.
Ayon sa mga petitioner lumabag ang Pangulo sa Grave abuse of discretion dahil sa pagbilang sa pangalan nina Cecille Guidote-Alvarez, Francisco Manosa, Jose Moreno at Carlos Caparas sa listahan ng National Artist awards at ang pag-alis naman sa pangalan ni Dr. Ricardo Santos.