^

Bansa

Awarding sa National Artist pinigil ng SC

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Inatasan kahapon ng Korte Suprema ang Mala­cañang na itigil ang pag­gawad ng National Artist award sa taong ito.

Bukod dito, inatasan din ng Mataas na Huku­man ang executive department na huwag mag­labas ng cash awards para sa mga National Artist awardees

Base sa resolution, pinanatili ng Hukuman ang status quo order at ina­tasan ang mga respondent na magko­mento sa loob ng 10-araw.

Kabilang sa mga respondents sina Executive Secretary Eduardo Er­mita, Budget Secretary Rolando Andaya Jr., Cultural Center of the Philippines, National Commission on Culture and the Arts, Cecile Guidote-Alvarez, Carlos Caparas, Jose Moreno, at Francisco Manosa.

Matatandaan na hini­ling noong nakaraang linggo ng ilang perso­ nahe at ng Concerned Artists of the Philippines sa Huku­man na pigilin ang Pa­lasyo sa pagga­gawad ng National Artists awards dahil sa umano’y grave abuse of discretion sa panig ng Pangulo ng ba­­lewalain nito ang screening process kabilang dito ang pagpili ng mga awar­dee.

Kabilang sa mga petitioners sina National Artists for Literature Virgilio Al­ mario at Bienvenido Lum­bera, National Artists for Visual Arts (painting) Be­nedicto Cabrera, (sculpture) Napoleon Abueva, at (painting and sculpture) Arturo Luz.

Ayon sa mga petitioner lumabag ang Pa­ngulo sa Grave abuse of discretion dahil sa pag­bilang sa pangalan nina Cecille Guidote-Alvarez, Francisco Manosa, Jose Mo­reno at Carlos Ca­paras sa listahan ng National Artist awards at ang pag-alis naman sa pa­ngalan ni Dr. Ricardo Santos.


vuukle comment

ARTURO LUZ

BIENVENIDO LUM

BUDGET SECRETARY ROLANDO ANDAYA JR.

CARLOS CA

CARLOS CAPARAS

CECILE GUIDOTE-ALVAREZ

FRANCISCO MANOSA

NATIONAL ARTIST

NATIONAL ARTISTS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with