MANILA, Philippines - Si Senador Manny Vil lar na naman ang nangu-na sa pinakabagong pre-sidential survey ng Social Weather Stations.
Ang nationwide survey sa 1,500 respondents ay ginanap nitong Hunyo 19-22 o ilang linggo bago namatay si dating Pangu-long Corazon Aquino na pinaniniwalaang nagpabago sa political landscape para sa 2010 elections.
Sa survey, si Villar ay nagtala ng 22 percent approval, sumunod ang dating pangulong si Joseph Estrada na mayroong 19% at Senador Francis Escudero (18%)
Si Vice President Noli de Castro, na dating na ngunguna sa mga survey ay pumang-apat sa kanyang 14%. Sumunod sa kanya sina Sen. Mar Roxas (10%), Sen. Loren Legarda (6%), Sen. Panfilo Lacson at Makati Mayor Jejomar Binay na kapwa may tig-3% sa ikapitong puwesto.
Ang survey ay mayroong marginal error ng 2.5 percent. (Butch Quejada)