Piskal sa Dacer slay may death threat
MANILA, Philippines - Humihingi ng seguridad sa National Bureau of Investigation ang piskal o prosecutor na humahawak sa kasong Dacer-Corbito double murder case dahil sa natatanggap niyang mga banta sa kanyang buhay.
Lumiham si Acting Justice Secretary Agnes Devanadera kay NBI Director Nestor Mantaring para bigyan ng security escort si Senior State Prosecutor Peter Ong.
Ayon kay Devanadera, ang mga banta kay Ong ay may kaugnayan sa paghawak nito sa kasong pagpaslang sa publicist na si Salvador Dacer at driver nitong si Emmanuel Corbito.
Kabilang sa isinangkot ng mga anak ni Da-cer sa kaso si Senador Panfilo Lacson. (Gemma Amargo-Garcia)
- Latest
- Trending