24th GMA trip sa Pampanga
Magalang, Pampanga , Philippines — Muling binisita ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang kanyang lalawigan sa ika-24 na pagkakataon upang pangasiwaan ang ibat ibang proyekto ng pamahalaan dito.
Unang nagtungo si Pangulong Arroyo sa bayang ito upang makaharap ang kanyang mga scholars sa auditorium ng Pampanga Agricultural College.
Sumunod na nagtungo si Mrs. Arroyo sa Boto-lan, Zambales upang pangasiwaan ang relief ope-rations sa mga biktima saka siya muling nagbalik sa Pampanga upang makiisa naman sa 1st anniversary ng Pampanga Electric Cooperative II (Pelco 2) sa Lubao.
Simbolikong inilawan naman ni Pangulong Arroyo ang ikawalong milyong bahay na nabiya- yaan ng elektrisidad ng National Electrification Ad-ministration. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending