Customs inulan ng bulok na sibuyas

MANILA, Philippines - Ilang miyembro ng Katipunan ng mga Sama­-hang Magsisibuyas sa Nueva Ecija ang nagtu­ngo kahapon at naghagis at nagtambak ng mga bulok na sibuyas sa tang­gapan ng Bureau of Customs sa Port Area, Manila para kondena­hin ang kabi­guan ng BOC na sugpuin ang mga pag­pupuslit ng mga sibuyas mula sa India at China.

Sinabi ni KASAMNE President Rodolfo Niones na napilitan silang magsagawa ng kilos pro­ testa para batikusin ang ilang tiwaling opisyal ng BOC na naki­kipag­sab­wa­tan umano sa mga smug­gler na unti-unting puma­patay sa kabuhayan ng mahigit sa 500,000 onion growers sa Gitnang Luzon.

Sinabi naman ni Agricultural Sector Alliance of       the Philippines Representative Nicanor Briones na sumama sa rally na patu­loy na bumabagsak nga­yon ang koleksiyon ng BOC dahil sa laganap na smuggling ng iba’t ibang uri ng produktong pang-agrikultura.

Nagbabala siya na posibleng magkaroon ng ka­gutuman sa bansa kapag hindi binigyan ng pra­ yoridad ng gobyerno ang pagsupil sa smuggling ng agricultural products dahil tatamarin ng magtanim ang mga mag­sa­saka at tatamarin na rin mag-alaga ng manok at baboy. (Mer Layson)


Show comments