Customs inulan ng bulok na sibuyas
MANILA, Philippines - Ilang miyembro ng Katipunan ng mga Sama-hang Magsisibuyas sa Nueva Ecija ang nagtungo kahapon at naghagis at nagtambak ng mga bulok na sibuyas sa tanggapan ng Bureau of Customs sa Port Area, Manila para kondenahin ang kabiguan ng BOC na sugpuin ang mga pagpupuslit ng mga sibuyas mula sa India at China.
Sinabi ni KASAMNE President Rodolfo Niones na napilitan silang magsagawa ng kilos pro testa para batikusin ang ilang tiwaling opisyal ng BOC na nakikipagsabwatan umano sa mga smuggler na unti-unting pumapatay sa kabuhayan ng mahigit sa 500,000 onion growers sa Gitnang Luzon.
Sinabi naman ni Agricultural Sector Alliance of the Philippines Representative Nicanor Briones na sumama sa rally na patuloy na bumabagsak ngayon ang koleksiyon ng BOC dahil sa laganap na smuggling ng iba’t ibang uri ng produktong pang-agrikultura.
Nagbabala siya na posibleng magkaroon ng kagutuman sa bansa kapag hindi binigyan ng pra yoridad ng gobyerno ang pagsupil sa smuggling ng agricultural products dahil tatamarin ng magtanim ang mga magsasaka at tatamarin na rin mag-alaga ng manok at baboy. (Mer Layson)
- Latest
- Trending