MANILA, Philippines - Umani ng papuri ang Private Emission Test Center- IT Providers mula sa Coalition of Clean Air Advocates (CCAA) sa pamamagitan ng Pangulo nilang si Jojo Bue rano dahil sa walang humpay na kampanya para masawata at malabanan ang non-appearance testing sa mga sasakyan.Nangangahulugan lamang ito na matindi ang ngipin ng Clean Air Act of 1999 na ipinatutupad sa bansa.
Binaha ng mga papuri at mahusay na pagkilala ang inbox ng IT Providers at blogs mula sa CCAA website, isang araw lamang makaraang ang mga IT Providers ay naglunsad ng seryosong kampanya laban sa non-appearance. Ang mga IT providers na ito ay kinabibilangan ng Eurolink, ETC IT, RDMS at Cyberlink.
“This is inspiring” pahayag ni Bernard Chang, may-ari ng BSC Emission Testing center.
Sa nagdaang taon, nagkapit bisig ang IT providers para sama sama nilang ipalaganap ang kampanya laban sa mga tiwaling emission test centers na nagsasagawa ng non appearance sa pagsusuri ng usok ng mga iparerehistrong sasakyan sa LTO para lamang kumita ng malaking halaga ng salapi kahit na ang mali nilang gawain ay nakakadagdag ng polusyon sa hangin at nakakapekto sa kapaligiran at kalusugan ng mamamayan. (BQuejada)