MANILA, Philippines - Nagbabala ang World Health Organization na posibleng umatake ang second wave ng influenza AH1N1 lalo pa at papalapit na ang taglamig kaya pinagha handa na ng WHO ang mga bansa para labanan ito.
Ani WHO spokesperson Gregory Hartl, partikular na dapat maghanda ang mga bansa sa northern hemisphere lalo’t taun-taon ay tumataas umano ang kaso ng influenza sa tuwing sasapit ang autumn at winter.
Sa ngayon ayon kay Hartl, nahihiwagaan pa rin ang WHO sa “characteristic” ng nasabing flu virus.
Tinataya kasi aniyang 40 porsiyento ng maituturing na pinaka-grabeng mga kaso ng virus ay tumama sa mga taong masasabing perpekto ang kalusugan.
Sa pinakahuling ulat, nasa 1,799 ang nasawi sa buong mundo simula nang madiskubre ang nasabing virus sa Mexico at US anim na buwan na ang nakakaraan.
Tinataya namang aabot sa 250,000 hang gang 500,000 katao ang namamatay sa buong mundo kada taon dahil sa seasonal flu.