^

Bansa

Pag-atake muli ng AH1N1 dapat paghandaan - WHO

- Nina Doris Franche at Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Nagbabala ang World Health Organization na posibleng umatake ang second wave ng influenza AH1N1 lalo pa at pa­palapit na ang tagla­mig kaya pinagha­ han­da na ng WHO ang mga bansa para laba­nan ito.

Ani WHO spokes­person Gregory Hartl, partikular na dapat mag­handa ang mga bansa sa northern hemisphere lalo’t taun-taon ay tuma­taas umano ang kaso ng influenza sa tuwing sa­sapit ang autumn at winter.

Sa ngayon ayon kay Hartl, nahihiwagaan pa rin ang WHO sa “characteristic” ng nasabing flu virus.

Tinataya kasi aniyang 40 porsiyento ng maitutu­ring na pinaka-grabeng mga kaso ng virus ay tu­mama sa mga taong ma­sasabing perpekto ang kalusugan.

Sa pinakahuling ulat, nasa 1,799 ang nasawi sa buong mundo simula nang madiskubre ang nasabing virus sa Mexico at US anim na buwan na ang nakaka­raan.

Tinataya namang aabot sa 250,000 hang­ gang 500,000 katao ang na­­mamatay sa buong mundo kada taon dahil sa seasonal flu.

vuukle comment

BANSA

BUONG

GREGORY HARTL

HARTL

NAGBABALA

SHY

TINATAYA

VIRUS

WORLD HEALTH ORGANIZATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with