OFW namatay sa eroplano

MANILA, Philippines - Nasawi sa loob ng ero­plano ang isang overseas Filipino worker matapos na atakihin ito sa puso ha­bang papauwi sa bansa mula sa Saudi Arabia kamakalawa.

Ang biktimang si Joel Lorrente, maintenance supervisor sa Tashelat Marketing Company sa Jed­dah ay agad na dinala sa ramp clinic sa Ninoy Aquino International Airport pag­kalapag ng Saudia Airlines flight SV-868 subalit idi­neklara itong patay ng manggagamot.

Sinabi naman ni Lour­des, asawa ng nasabing OFW, na nagtungo siya sa NAIA nitong Miyerkules upang salubungin ang kanyang mister subalit nabalitaan niya na dinala ang biktima ng mga kina­tawan ng OWWA sa clinic.

Ayon kay Lourdes, may sakit ang kanyang mister na kanser sa lalamunan subalit hindi umano niya alam kung anong stage na ang sakit nito.

Ang biktima ay patay na ganap na alas-6 pa lang ng umaga at alas-3 ng hapon ng makalapag ang ero­planong sinasak­yan nito.

Ayon sa attending physician ni Lorrente na si Dr. Somera,  patay na ang na­turang OFW nang duma­ting sa Maynila bunga ng “cardio-pulmonary arrest”.

Si Lorrente ay nag­trabaho sa Jeddah sa loob ng walong taon at anim na buwan. (Ellen Fernando)

Show comments