MANILA, Philippines - Patatayuan na rin ng rebulto si dating Pangulong Corazon Aquino sa Rizal Park.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesman Anthony Golez, inatasan na ni Pangulong Arroyo ang National Historical Institute para pangasiwaan ang pagpapatayo ng nasabing rebulto kung saan ito ay inaasahang matatapos sa loob ng anim na buwan.
“We have long honored Tita Cory in our hearts, and now we will celebrate in deathless lineaments of concrete and steel the life and passage of a national heroine for the constant reminder of future generations,” dagdag pa ni Golez.
Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na ang gobyerno sa pamilya Aquino. Ito ay bilang pagkilala sa mga ibinigay na sakripisyo ni Gng. Aquino para maibalik ang demokrasya sa bansa.
Ipinalabas ni Pangulong Arroyo ang kautusan sa bisperas ng ika-26 death anniversary ni Sen. Benigno “Ninoy” Aquino Jr. (Rudy Andal)