Lakas executives nadismaya sa labanan sa Basilan
MANILA, Philippines - Ikinadidismaya ng maraming miyembro ng makaadministrasyong Koalisyong Lakas-Kampi-CMD ang pagkasawi ng 23 sundalo sa sagupaan ng militar at ng Abu Sayyaf sa Basilan kamakailan.
Ito ang nabatid kahapon sa isang lehitimong miyembro ng Lakas-Kampi-CMD na nagsabing mistu lang ipinahamak ng pamahalaan ang buhay ng magigiting na kawal-Pilipino.
Noong July 20, 2007, may 14 na Marines ang napalaban din sa naturang lalawigan kung saan sampu sa kanila ay pinugutan pa ng ulo ng mga bandido habang inililigtas nila ang binihag ng mga Abu Sayyaf na si Italian Priest Giancarlo Bossi
Sinabi ng isang opisyal ng Lakas na isang malinaw na kapalpakan sa intelligence gathering ng militar ang nangyari dahil hindi natunugan ng mga ito na may kampo ng Moro Islamic Liberation Front sa katabing training camp sa Barangay Silangkum sa bayan ng Tipu-tipo ng mga tinugis nilang Abu Sayyaf na pinamumunuan ng isang Furuji Indama.
Kinuwestyon ng opisyal kung saan napupunta ang intelligence fund ng militar na napakinabangan sana ng mga sundalo sa Mindanao sa epektibong pangangalap ng impormasyon laban sa mga kalaban ng pamahalaan. (A. dela Cruz)
- Latest
- Trending