Pacman kikidnapin!
MANILA, Philippines - Dapat mag-ingat si People’s champ Manny “Pacman“ Pacquiao dahil isa itong potensyal na target na dukutin ng mga armadong grupo partikular na ang mga bandi dong Abu Sayyaf kapag nagpumilit itong maging peace negotiator sa Mindanao.
“He must be extra careful para makasiguro na walang mangyayaring masama, mag-ingat siya sa mga kidnappers, marami nakakaalam sa Abu Sayyaf na maraming perang kinita sa boxing si Pacquiao,” babala ni MILF spokesman Eid Kabalu sa gitna na rin ng suhestiyon ni Senate Minority Leader Aquilino “Nene” Pimentel Jr. na gawing peace negotiator si Pacman sa MILF dahil marami ang umiidolo sa boxing champ.
Ayon kay Kabalu, hindi niya inaalis ang posibilidad na makakita ng pagkakataon ang Abu Sayyaf at dukutin si Pacman lalo na at interesado itong pumagitna kaugnay ng isinusulong na peace talks ng pamahalaan sa kanilang grupo.
“Masyadong delikado ang puntong peace negotiatior, hindi tayo sigurado sa Abu Sayyaf,“ giit ni Kabalu na duda sa bandidong grupo na aniya’y posibleng tumitiyempo lamang para bihagin si Pacman.
Aniya, kung ang mga mediamen ay dinudukot ng mga Abu Sayyaf ay mas lalo umanong pag-iinteresan si Pacman na naging bilyonaryo na sa boxing.
Hindi rin itinanggi ni Kabalu na ang grupo ng mga MILF na tumulong sa Abu Sayyaf sa pakikipagsagupa sa mga sundalo ay mismong kamag-anak ng mga ito.
Muli ring nanindigan ang MILF na bagaman popular si Pacquiao ay hindi nila nais na maging peace negotiator ito dahil masyadong mase lang bagay ang prosesong pakikipag-kapayapaan na anila’y hindi madadaan sa kasikatan lamang.
Magugunita na hindi ito ang nag-iisang pagkakataon laban sa boxing icon dahilan maging ang iba pang kidnap for ransom syndicate sa Mindanao ay nais rin itong kidnapin kaya bantay sarado ang pambatong boksingero ng bansa.
- Latest
- Trending