MANILA, Philippines - Kinondena ng Federation of Philippine Industries at ng Federation of Filipino-Chinese Chamber of Commerce ang umano’y panggugulo ng ilang nagwewelgang Customs brokers sa mga truckers na hindi nakikisama sa kanilang strike sa Port of Manila.
Ayon kay Federation of the Philippine Industries President Jesus Aranza, walang naitutulong ang kilos-protesta na isinasagawa ng mga miyembro ng Professional Customs Brokers Association of the Philippines sa pamumuno ni Agapito Mendez Jr., matapos na di tumupad sa kanilang kasunduan na hindi mamimilit o manghaharang ng mga kasamahan nila sa hanap-buhay para sumali sa kanilang welga.
Ang grupo ni Mendez ay dalawang linggo ng nagwewelga bunsod ng umano’y walang pasubaling panghuhuli ng Presidential Anti-Smuggling Group sa ilalim ni Undersecretary Antonio “Bebot” Villar. Malaki na rin aniya ang nalulugi sa gobyerno dahil sa pamimilit at panghaharass ng grupo ng una. (Mer Layson)