MANILA, Philippines - Hiniling kahapon ng tatlong 0bispo sa pamahalaan na tanggalin na lamang ang Priority Development Assistance Fund na mas kilala bilang pork barrel ng mga mambabatas dahil ito ang nagiging ugat ng korupsiyon.
Ikinatwiran nina Marbel Bishop Dinualdo Gutierrez, Legazpi Bishop Lucilo Quiambao at Cubao Bishop Honesto Ongtioco na ginagamit lang ng ilang mga pulitiko sa pansariling interes at katiwalian ang pork barrel.
Pinaboran ni Gutierrez ang panukala ni Bayan Muna Partylist Rep. Teddy Casino na gawin na lang piso ang pork barrel ng mga senador at kongresista dahil hindi naman naibibigay dito ang talagang pangangailangan ng kanilang mga nasasakupan.
Mas makabubuti anya kung sa mga foundation na lamang ibibigay ang pork barrel ng mga Senador at Congressmen habang ang tao naman ang maghahain ng mga socio-economic projects at dadaan ito sa isang board.
Sinabi naman ni Quiambao na hindi na dapat pang magdalawang isip ang pamahalaan na tanggalin ang pork barrel ng mga mambabatas dahil maging ang ibang bansa ay wala namang pork barrel. Dapat lamang na ibigay sa kanila ay ang kanilang mga sa hod. (Doris Franche at Mer Layson)